Peste kung ituring ang daga at kilala ring mapaminsala ng mga ari-arian at nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng leptospirosis bacteria. Kaya naman ang isang tao na nababad ang paa sa baha ay agad na naghuhugas upang maiwasan ang impeksiyon na makukuha rito. Ngunit posible kaya na ang isang daga na inaakala nating marumi at pinandidirihan ay may kakayahan palang maligo?
Nag-viral ngayon sa social media ang video ng isang daga na naliligo. Maraming sites ang nagbahagi ng video nito. Sa Facebook video ng UNILAD, ibinahagi nito ang video ng isang daga na tila naliligo habang naka-video.
Ito ay may caption na: “Just a rat getting ready for a busy Monday.” Nagmistulang tao ang daga dahil sa paraan ng pagsasabon nito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Naging katatawanan ito sa mga netizens sa pag-aakalang hindi ito magagawa ng isang daga. You may see it on the source below:
Source: Facebook
No comments: