Nalaman ng mga magulang ni Franco Hernandez na sina Raul at Marissa Lumanlan ang detalyadong pangyayari sa pagkalunod ng anak pagkatapos ng burol at cremation nito. Si Franco-o Franco Miguel Hernandez Lumanlan—ay namatay matapos aksidenteng malunod sa Davao Occidental noong November 11. Mico ang palayaw ng 26-year-old Hashtags member. Ang all-male group na Hashtags ay napapanood sa ABS-CBN daily noontime show na It's Showtime. Noong araw ng insidente, November 11, naglalayag na pabalik ng resort ang motorized banca na kinalulunanan ng grupo nina Franco nang hampasin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyan.
Kasama ni Franco sa banca ang girlfriend niyang si Janica Nam Floresca, ang kapwa niya Hashtags member na si Tom Doromal at ang girlfriend nito, pinsang lalaki ni Tom, at dalawang bangkero. Ibinurol ang mga labi ni Franco sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City mula November 14 hanggang November 16. Na-cremate ang mga labi niya noon ding November 16. Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Raul at Marissa sa kanilang tahanan sa Quezon City, noong Biyernes, December 1. Kasama ring nakapanayam ng PEP.ph si Nam, na naglahad ng detalyadong pangyayari, base sa kanyang panig, noong araw na malunod ang Hashtags member.
Lumapit si Nam at mga magulang ni Franco sa PEP.ph dahil nais daw nilang itama ang ilang impormasyong lumabas sa mga naunang ulat tungkol sa aksidenteng pagkalunod ng binata. Una na rito ang pahayag ng dalawang bangkero na nagsabing hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa grupo na magsuot ng life vest—na naiulat sa Umagang Kay Ganda (UKG) noong November 13. Ikalawa ay ang pahayag ni Tom, sa November 19 episode ng Rated K, na “ni-rush” sa ospital si Franco noong araw ng insidente.
Kaugnay nito, nais daw nina Raul at Marissa na mailabas ang buong detalye umano kaugnay ng pagkalunod ng anak, base sa kuwento ni Nam at sa karagdagang detalye na nalaman nila mula mismo kay Tom. Ayon kay Raul, “Nag-meet kami with Tom's family. Yung relatives niya, mga tita… Para to hear yung side siguro namin at yung side din nila.” Naganap daw ang kanilang pagkikita noong nakaraang Miyerkules, November 29. Dumalo roon sina Raul, Marissa, at Nam. Naroon din si Tom kasama umano ng mga tita nito na naninirahan dito sa Manila.

Patuloy ni Raul, "They all agreed, wala namang nag-comment na mali yung inistorya ni Nam. “Actually, there were revelations din na hindi namin alam. “Na good enough naman, and I salute Tom and his family for telling the truth din about the life vests.”
"TRUTH" ABOUT THE LIFE VESTS. Sa puntong ito, inihayag ng ama ni Franco kung bakit walang dalang life vest ang grupo nina Franco, Nam, at Tom nang sila ay sumakay ng banca patungong White Sand Island. Pahayag ni Raul, “Yung sa life vest, sinabihan pala si Tom nung relatives niya dun sa resort na may life vest, na siguro either gamitin or dalhin niyo.
“Yun ang kuwento ni Tom. “Si Tom naman, hindi nasabi sa group na may life vest. Ang sabi ni Tom during the meeting, it slipped...” Singit ng ina ni Franco na si Marissa sa pahayag umano ni Tom, “It slipped his mind.” Patuloy ni Raul, “So, nakalimutan daw niya. “So, eventually, sumakay silang lahat without the life vest. Yun yung sigurong medyo...” Naputol ang pahayag ng ama ni Franco, pero sabi naman ni Nam, “Kasi kung in-offer naman niya sa amin, susuotin namin yun talaga. Kasi hindi kami marunong lumangoy.” Tanong ng PEP.ph: Ano ang sinabi sa inyo ni Tom nung nag-meet po kayo? Sagot ni Raul, “Hindi naman directly sinabi sa akin. May question kasi na-raise sa kanya kung may life vest ba.”
Paglilinaw ng ama ni Franco, hindi direktang sa kanya sinabi ni Tom, kundi sa kanilang lahat na naroon sa meeting. Sa nasabing meeting, sinabi umano ni Tom na noong araw ng insidente, bago umalis ng resort, ay may nagsabi ritong may life vest na maaari nilang gamitin pagsakay ng banca. Dito nilinaw ni Raul na taliwas ito sa sinabi ng mga bangkero sa kanilang pahayag sa Umagang Kay Ganda na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa grupo na magsuot ng life vest. Patuloy ni Raul, “So, sinagot naman ni Tom. Si Tom mismo.
"Buti naman at sinabi niya rin yung totoo.
“Perception ng bangkero siguro…
“Pero yun pala, merong available at hindi lang nasabi ni Tom sa grupo, at hindi nadala ni Tom yung life vest.”
REACTION TO THE WHOLE INCIDENT. Pagkatapos ay inilarawan ng ama ni Franco ang saloobin matapos mapagtagni-tagni ang nangyaring aksidenteng pagkalunod ng anak, base sa pahayag nina Nam at Tom. Pahayag ni Raul tungkol sa diumano’y pagkukulang sa nangyaring insidente: “Kung paano na-handle yung sitwasyon. “Plus yung pagkuha mo ng providers mo. Like, for example, yung banca. “Bilang host, you have to make sure na compliant 'yan sa safety, legit yung mga banca na yun to transport people. “Baka mamaya fishing boat lang 'yan na wala namang permit to transfer passengers. So, ibang istorya na yun.

No comments: